Monday, August 10, 2009

naglalakad, naglalakbay, tumatakbo

Halos isang buwan na rin ng huli kong isulat ang aking nararamdaman. marami na ding mga pangyayari ang dumaan, lalo na aking relasyon sa Panginoon.

Sa nakaraang mga buwan nakaranas ako ng kalungkutan, pagdududa, pag-iisa sa kawalan at kabaliwan. Ngunit isang gabi minulat sa akin ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang Salita ang kanyang pagmamahal sa akin.

ito ang insights ko ng binahagi ko sa aking mga kaibigan sa pamamagitan ng sms:
"God assures His love for me through His Word today, i felt doubt, sadness, being lost, alone and sometimes is paranoia for awhile now. In John, Father God assures me that I'm His daugther, that whoever believed in Jesus has the right to become His child. Jesus said through Matthew that every person that is weary must come to Him and He will give them rest. And SEEK FIRST THE KINGDOM OF GOD before anything else. Life is not easy but I thank God that He is always there even sometimes He is just quiet beside me watching. Even I fail Him, He forgives and as a Father who disciplines His children when they sin. Praises to God!"
Hindi naman perpekto ang buhay, nagkakamali at nagkakasala pa rin ngunit ako'y nagsusumikap na maging karapatdapat na tawaging anak ng Diyos. Ako'y naghahangad na sa pagdating ng Panginoon ako ay sabihang " Well done, good and faithful servant".



Wednesday, July 15, 2009

ako mismo!!!!!

last monday sa sobrang walang magawa, naghanap ako sa world wide web ng quote na pwede kong i-gm sa mga friends, at ito un:

kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, 'wag mong sisihin ang puso mo. tumitibok lang yan para magsupply ng dugo sa katawan mo. ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumukontrol sa emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? utang na loob! wag mong isisi sa sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! tandaan mo magiging masaya ka lang kung matuto kang tanggapin na hindi ang puso, utak, bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi ikaw mismo! - bob ong
at may nagreply: Ako mismo

sa una di ko sya pinapansin, pero habang pinagiisipan ko. natanong ko ang sarili ko ako ba iyong tao na iyon? nagmahal ba ko nang taong di dapat? nagmamgaling ba ko kasi sabi ng hypothalamus ko mahalin ko sya? pagmamahal nga ba to o isang bagong pakkiramdam lang kaya ganto? wala naman kami kahit ano, pero bakit ako nasasaktan kapag may kasanma syang iba? umasa ba ako sa isang bagay na di dapat? di naman ganong kaganda ugali, di din naman sya kagwapuhan, maraming masamang comment tungkol sa pag-uugali nya, bakit ba ganto?

gusto ko syang iwasan pero wala akong maggawa dahil lagi ko syang kasama. ayaw ako na syang i-text pero masaya ako kapag ngtetext sya.
di ko sya makausap ng tumitingin sa mata, pero sinusubukan ko. di ko maayos ang ginagawa ko kapag nandyan sya.


bakit kasi ang bait nya sa akin, sana masamang ugali na lang nya ang pinakita nya para hindi ko na naramdam ang mga bagay na to. pero sabi nga ni bob ong ako mismo ang may kasalanan sa lahat ng pasakit ko sa buhay!



Monday, July 13, 2009

carbonara

first time kong magluto nito bday treat sa mga staff (doctors and nurses) ng bmc (surgery ward). effort ang mga bagay bagay. ito ang recipe ni sis....

Ingredients:
garlic
onion
tuna
sliced mushrooms
cream of mushrooms
all purpose cream
pepper
cheese

Procedure? basta ginisa ko lang ang bawang, sibuyas, at tuna tapos nilagay ko na ung mushroom, cream of mushroom, all purpose cream, paminta at cheese para lalong lumasa ang mga bagay bagay at my kapartner na garlic bread.

kaya sa mga surgeon, effort ang pinagawa nyo sa akin!!!!!!