Bago ang Lahat ng ito......
Marami na din akong napuntahan sa Pilipinas, sa Iocos Norte, Pangasinan, Baguio, Palawan, Davao, at iba pa, sa lahat ng yon may kasama ako pamilya man o mga kaibigan. Sa lakad na ito first time to travel abroad and travelling alone. Ha!
Eh pano nga ba nangyari ang lahat ng ito?Isa sa mga pinapangarap kong mapuntahan ay ang South Korea, kung makapapamasyal man ako sa ibang bansa. Dahil isa ako sa mga biktima ng Hallyu wave, hehehe sa Drama man yan o K-Pop. Nabigyang katuparan ito ng Cebu Pacific, sa murang halaga nakabili ng ticket na papunta at pabalik ng Manila. Cebu Pacific maraming, maraming salamat! :-) At syempre bago makapunta don kailangang may visa. Para sa isang government employee na katulad ko ang mga requirements ay certificate of employment, bank certificate (dahil dito ang tagal kong naghigpit ng sinturon), income tax return, at suggestion ng taga embassy nagpa-photocopy ako ng license ko. Requirements for visa application at schedule ay makikita din dito sa website nila Korean embassy. After maipasa ang mga requirements magbibigay sila ng schedule kung kailan babalik after 1 week.
Ang paglalakbay na ito ay nagkaroon ng madaming balakid. Dapat dalawa kaming pupunta, dahil sa mga ibang pangyayari di sya nakasama. Ang lupit ng Habagat ay naging isa din sa hadlang, pano ako pupunta ng airport kung ang McArthur Highway at NLEX ay not passable na.(Salamat sa Cebu Pacific dahil walal bayag ang pag rebook). At syempre ang pagaalinlangan ng aking mga magulang kung papayagan ba nila akong mag-isa na umalis. Pero dahil sa kagustuhan kong makapunta, ok na sa kanila. Kailangan lang inform sila kung saan ako pupunta.
dahil ako lang magisa gumawa ako ng aking intinerary for 6 days at naghanap ng matitirhan. Mapalad ako dahil ang hostel ko ay malapit sa halos lahat ng tourist spots. Nagdala ng comfortable shoes dahil puro lakad ang ginawa ko don.
ito ay simula pa lang ng paglalakbay kong mag-isa.......
dahil ako lang magisa gumawa ako ng aking intinerary for 6 days at naghanap ng matitirhan. Mapalad ako dahil ang hostel ko ay malapit sa halos lahat ng tourist spots. Nagdala ng comfortable shoes dahil puro lakad ang ginawa ko don.
ito ay simula pa lang ng paglalakbay kong mag-isa.......